Pagmulat ng mga mata
Kay ginhawang malamang sa’kin ka
Nakaulat na sa pahina
Mga suliranin na maari nating harapin
‘pag hindi, alam ang kasagutan
Yayakapin kita’t sasabihin
Sisikat din ang araw
Mga sulat ay silbing daan
Sa sagrado mong kabuuhan
Ang hudyat ay nahiwagaan
Ako na sa’yo ipagkakaloob
Ang lahat lahat,
Hanggang sa huling hinga
Itataya pati pato
Sagad ang aking pag-ibig
Sisiguraduhing,
Sa piling ko’y tiyak
Ang ligaya
Ikaw lang ang iibigin
At ‘di magdadal’wang isip
Na ibaling ang dalisay kong sadya
Ang makasama ka hanggang sa pagtanda
Sarili ko ay handang
Isantabi para lang
Ipaalala ang lahat sa paraang
Gitara’t tinig at awiting
Palatandaan nung unang araw na
Tayo’y pinagtagpo,
Sa ‘di inaasahang paraiso
Sagad ang aking pag-ibig
Sisiguraduhing,
Sa piling ko’y tiyak
Ang ligaya
Ikaw lang ang iibigin
At ‘di magdadal’wang isip
Na ibaling ang dalisay kong sadya
Ang makasama ka hanggang sa pagtanda
Hahawiin lahat nang hadlang
Na paparating
Tatanawin natin ng sabay
Ang kinabukasan
Sa’yo
Sa’yo
Sa’yo
Sa’yo ko lang muli
Nasubukang lumipad
Nasubukang lumipad
Nasubukang lumipad
‘di magdadal’wang isip
Na ibaling ang dalisay kong sadya
Ang makasama ka
Sa pagtanda
Read More Lyrics: A1lyrics
0 Comments